IMG_2201

Mga Patok na Babasahin Ngayong Pasukan Para sa mga Chikiting

June 8th, 2018

Mga mommies! Tapos na ang summer. Back to school na naman ang mga chikiting! Panahon na naman ng maagang paggising sa umaga at ang paggawa ng kaliwa’t kanang school projects at assignments. Handa ka na ba, mommy? Handa na rin ba ang mga chikiting?

Dahil katatapos lang ng bakasyon, heto muna ang ilang magaganda at masasayang babasahin para makapaglibang at makapaghanda ang inyong mga anak para sa bagong taon ng eskwela.

IMG_2214

Kuya Enzo Finds A Way ni Becky Santos Gerodias

Nagtatalo na naman ba sina kuya at bunso? May iyakan contest sina ate at ditse? Itong kuwento ni Becky Santos Gerodias na tungkol sa dalawang magkapatid na walang ginawa kung hindi ang magtalo ay siguradong mapagkakasunduang basahin ng mga bagets.

IMG_2188

Baha ni Eugene Y. Evasco

Siyempre hindi talaga maiiwasang sinusumpong si bunso at nauuwi sa iyakan kung minsan. Patahanin na si bunso at basahan na lang ng kuwento ni Eugene Y. Evasco na nagpapakita ng mga puwedeng mangyari sa mga batang walang ginawa kung hindi ang umiyak.

IMG_2206

Si Em Marungis ni Aliona Silva

Patungkol sa mga bagets na ayaw maligo matapos maglaro buong araw sa initan ang kuwentong ito ni Aliona Silva. Siguradong mapapailing si bunso kapag nalaman niya kung ano ang nangyari kay Em.

IMG_2201

Piyesta sa Hardin ni Lola Benita ni Eugene Y. Evasco

Talaga nga namang likas na mahirap pakainin ng mga gulay at prutas ang mga chikiting dahil mas nakahihiligan nila ang matatamis na lasang bigay ng mga candy at sitsirya. Ngunit sa kuwentong ito, tuklasan kung paano nagustuhan at nasarapan si Ramon sa mga lutong gulay ng kanyang lola.

IMG_2198

Why do Turtles Carry their Homes? ni Jomike Tejado

Naitanong na ba sa inyo ng mga chikiting kung bakit nga ba buhat-buhat ng mga pagong ang kanilang mga bahay? Hindi ba’t nakapagtataka talaga? Ayain na ang inyong anak at sabay ninyong alamin kung ano nga ba ang nangyari sa pagong at lagi niyang dala-dala ang kaniyang bahay sa kuwentong ito ni Jomike Tejado.

IMG_2197

Why do Birds Build Nests? ni Jomike Tejado

Tiyak na matutuwa ang mga chikiting sa librong ito ni Jomike Tejado na naglalayong magbigay-kasagutan sa kung ano ang nangyari sa kagubatan at kung bakit nga ba bumubuo ng mga maliliit na bahay ang mga inang ibon para sa kanilang mga anak.

Gawing makabuluhan ang pagbabalik-eskwela ng inyong mga chikiting ngayong taon gamit ang mga babasahing ito na siguradong ikatutuwa nila.

Gusto niyo pa ba ng ibang nakagigiliw na mga kuwento na may hatid na aral? Marami pang Chikiting Books ang maaaring pagpilian na tiyak na magugustuhan hindi lang ni bunso, kung hindi pati na rin ng buong pamilya. Mag-email sa marketing@vibalgroup.com para sa mga karagdagang detalye.

https://www.caviarbase.com http://www.simondeli.com http://www.weeklyleak.com replica handbags replica handbags hermes replica replica bags replica handbags replica hermes https://www.9replicabag.com replica bags replica handbags http://nwaedd.org replica hermes hermes replica iphone cases cheap jewelry wholesale jewelry sex toys cheap sex toys human hair wigs cheap nfl jerseys cheap jerseys http://www.kahnawake.com canada goose outlet hermes replica replica hermes http://www.gretel-killeen.com http://www.etgworld.com canada goose outlet http://www.replicaaa.com replica handbags