imgpsh_fullsize

Apat na Linggo ng Pagbabasa Challenge: Mga Librong Dapat Mong Basahin Ngayong Buwan Ng Wika

August 4th, 2018

Napapanahon ang mga libangang hatid ng makabagong teknolohiya. Tiyak na walang humpay ang pagpindot mo ng iyong mga gadget o walang patid na panonood ng vlogs sa YouTube. Kung sawa ka nang humilata at tungangaan ang iyong cellphone, subukan mo itong Apat Na Linggo ng Pagbabasa Challenge!

Simple lang ang mga patakaran sa hamon na ito:

  1. Itabi muna ang lahat ng iyong gadgets. Kung sa tingin mo ay wala kang sapat na pagtitimpi, patayin ang inyong router at kalimutan muna na may bagay na tinatawag na Internet. Maaaring mahirapan ka sa umpisa ngunit sinisiguro ko sa iyo na hindi mo pagsisisihan ang pagtanggap sa hamon na ito.
  2. Humanap ng lugar na tahimik. Mahirap magbasa sa lugar na maingay at walang kaayusan. Para maituon ang iyong buong atensiyon sa iyong babasahin, umupo sa isang tabi na may maliwanag na ilaw. (Paalala: Huwag magbasa nang nakahiga sa iyong kama. Bukod sa nakakaantok, maaaring lumabo ang iyong mga mata).
  3. Magbasa nang magbasa! Gamitin ang mga libreng oras sa pagbabasa. Mas maigi kung talagang makapaglalaan ka ng panahon para sa iyong mga babasahin.
  4. Isulat sa isang kuwaderno ang mga bagong salitang iyong natagpuan (opsiyonal). Maaari mo rin itong gawing imbakan ng mga ideyang naiisip mo habang nagbabasa. Tutal, ang rason naman talaga ng iyong pagbabasa ay ang gutom sa pagkatuto ng mga bagong bagay.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, narito ang ilan sa mga librong nailimbag sa Filipino na hindi maipagkakailang masarap basahin.

Screen Shot 2018-08-04 at 9.30.28 AMEl Indio

Unang Linggo: Ang Barbaro” at “El Indio” ni Francisco V. Conching

Kayang-kaya mong basahin ang dalawang librong ito sa loob ng isang linggo. Huwag kang mag-alala, ang komiks ay itinuturing pa ring popular na babasahing Pilipino. Siguradong kapag natapos mo nang basahin ang unang komiks na Ang Barbaro, hindi ka rin makapagtitimping basahin kaagad ang sequel nito na El Indio.

Ang dalawang komiks ay likha ni Francisco “Koko” V. Conching na kilala bilang National Artist for Visual Arts. Sinusundan nito ang kuwento ni Sabas na naghahangad ng hustisya sa masamang kapalaran ng kaniyang pamilya.

Dear Lady S

Ikalawang Linggo: “Dear Lady S” ni Sally E. Eugenio

Kinakabahan ka ba dahil maraming umaaligid sa iyong crush? Basahin mo itong nakatutuwang libro ni Lady S, isang koleksiyon ng mga payong swak sa mga pusong wasak.

Screen Shot 2018-08-04 at 8.52.11 AM
Ikatlong Linggo:  “Si Kaitlin at ang Game Machine” na isinulat Ferdinand Pisigan Jarin at iginuhit ni Manix Abrera

Luksong tinik, tagu-taguan, langit-lupailan ito sa mga larong tiyak na paborito mong laruin noong bata ka pa. Bisitahin mong muli ang mga alaala habang binabasa ang isang makabagong libro tungkol sa computers, gadgets, at game machines.

180719-bks-3

Ikaapat na Linggo: “May Gulong na Bahay” ni Genaro Gojo Cruz
Guhit ni Paul Imbong

Alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng katagang “Home is where the heart is” sa pagbabasa ng makabagbag-damdaming kuwento na ito.

Ang May Gulong Na Bahay ay pinarangalan bilang Best Reads for 2016-2017 sa nakalipas na National Children’s Book Awards.

Siguradong marami kang matutuhan at matutuklasan sa loob ng apat na linggong hamon na ito. Maaari mo itong gawin buwan-buwan upang lalong mapalawak ang iyong isipan. Pagkatapos mong basahin ang mga librong ito, hindi ka lang makakaramdam ng lubos na tuwa sa iyong tagumpay kundi mapagtatanto mo rin kung gaano kaganda ang wikang Filipino.

Maligayang Buwan ng Wika!

https://www.caviarbase.com http://www.simondeli.com http://www.weeklyleak.com replica handbags replica handbags hermes replica replica bags replica handbags replica hermes https://www.9replicabag.com replica bags replica handbags http://nwaedd.org replica hermes hermes replica iphone cases cheap jewelry wholesale jewelry sex toys cheap sex toys human hair wigs cheap nfl jerseys cheap jerseys http://www.kahnawake.com canada goose outlet hermes replica replica hermes http://www.gretel-killeen.com http://www.etgworld.com canada goose outlet http://www.replicaaa.com replica handbags