kids-2985782_1920

Alin sa mga Kuwentong Ito ang Sumasalamin sa Iyong Pagkabata?

August 8th, 2018

Hindi lahat nang nakalipas ay masakit balikan.

Masarap din namang alalahanin ang mga panahon na malaya tayong naglalaro sa labas kasama ang ating mga kaibigan. Mataya-taya, luksong tinik, piko, at kung ano ano pang mga laro ang paborito mong gawin. Sa tuwing taympers naman, bibili ka ng mga sitsiryang piso lang ang presyo: Sweet Corn, Lumpia, Cheepee, at iba pa. Naghihintay naman sa hapag-kainan ang buong pamilyang nakatutok sa TV; umaalingawngaw ang halakhak sa kuwarto habang sabay-sabay na sumusubaybay sa paboritong teleserye at kumakain ng hapunan.

Ilan lamang ito sa mga kuwento noong bata ka pa. Siguradong marami ka pang naaalala na talagang nagdulot sa iyo ng ligaya. Ang mga karanasan natin noon ang naghubog sa pagkatao natin ngayon. Hindi tayo matututong makisama sa iba kung hindi tayo nakaranas makipaglaro sa ating mga kababata, hindi rin tayo magiging magaling sa pagtitipid kung ‘di dahil sa mga sitsiryang tinatangkilik natin noon, at higit sa lahat, hindi natin mabibigyan ng halaga ang ating pamilya kung ‘di dahil sa mga masasayang panahon na kasama natin sila.

Kagaya ng mga alaalang iyan, ang mga kuwento ring ito ay nais na panatiliing buhay ang ating pagkabata. Tingnan mo at hanapin kung ano ang kuwentong pinakanakapagpabalik ng iyong mga alaala nang iyong kabataan.

14397877_10207447536927860_1653769946_n
Ang Lola Kong Mahilig Mag-utos
, kuwento ni Luis P. Gatmaitan, M.D. at iginuhit ni Zeus Bascon

Umamin ka, noong bata ka pa ay may mga panahon na hindi maiguhit ang iyong mukha sa sobrang simangot kapag “ikaw na naman” ang nautusan. Paborito ka nilang lahat pagdating sa paghuhugas ng pinggan, pagluluto, pamamalantsa, at paglalaba.

Siguradong kapag nabasa mo ang librong ito, magpapasalamat ka at nabigyan ka ng pagkakataong pagsilbihan ang mga nakatatanda sa iyo. Kung ‘di dahil doon ay wala kang alam sa gawaing bahay. Ito rin ang dahilan kung bakit masipag ka sa pag-aaral, pagtratrabaho, o kahit na ano pang hamon ng buhay.

9789710151349

Ang Aking Photo Album, kuwento ni Genaro R. Rojo Cruz at iginuhit ni Jaime Bauza

Hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon na makasama ang mga magulang nila habang lumalaki. Maaaring isa kang anak ng Overseas Filipino Worker (OFW). Sa tuwing mataas ang marka sa eskwela, hindi nakakapunta si Mama o Papa para sabitan ka ng medalya. Sa mga pagdiriwang ng iyong kaarawan, isa o dalawang oras ng pag-uusap lang sa Skype o social media ang pagbati na iyong natatanggap mula sa kanila. Ngunit kahit na ganoon ay masaya ka pa rin na magulang mo sila; walang patid na pasasalamat ang madalas mong bukambibig sa tuwing kausap sila.

Sa kabila ng pangungulila sa isa’t isa, natuto kang maging matatag sa kahit na anong pagsubok sa buhay. Ang kuwentong ito ay nagbibigay-liwanag sa masasayang panahon na kasama mo ang iyong mga magulang. Ang mga panahon na kasama mo sila, malayo man o malapit sa isa’t isa.

9504781_orig

Baha!, kuwento ni Eugene Y. Evasco at iginuhit ni Frances Alcaraz

Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Ito ang isang katotohanan na natutunan natin noong mga panahon na akala natin ay madadaan natin sa iyak ang lahat. Hindi naman masama na maluha sa tuwing nasasaktan o kapag may bagay na inilayo sa iyo, ngunit hindi rin ang pagluhang ito ang makakapagbigay sa iyo ng mga bagay na gusto mo.

Mabibigyang diin sa kuwentong ito ni Evasco na hindi man natin parating nakukuha ang mga gusto natin, kailangan pa rin nating maging mapagpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo. Maaaring may mga pinagdadaanan tayong sa tingin natin ay hindi na mababago ngunit ang mas mahalaga ay kung paano tayo tumugon sa mga pagsubok na ito: may nakapintang ngiti sa mga labi at pag-asa sa puso.

Masarap din magbalik-tanaw kung minsan. Hindi naman parating sakit at hinagpis ang dulot ng nakaraan natin. May mga surpresang handog ang mga panahon na tayo ay may oras pang takbuhin ang mga kalsadang pinintahan natin ng mga alaalang makukulay at may saysay.

Alin sa mga kuwentong ito ang sumasalamin sa iyong pagkabata? Alamin ang malaman na mga kuwento na napapaloob sa mga Chikiting books na walang age limit at hitik sa mga leksyon na buong buhay mong babaunin.

Kung nais mong balikan ang iyong pagkabata sa pamamagitan ng mga Chikiting Books na ito, tumawag lang sa aming hotline: 580-74-00. Maaari ka ring magpadala ng e-mail sa marketing@vibalgroup.com.

https://www.caviarbase.com http://www.simondeli.com http://www.weeklyleak.com replica handbags replica handbags hermes replica replica bags replica handbags replica hermes https://www.9replicabag.com replica bags replica handbags http://nwaedd.org replica hermes hermes replica iphone cases cheap jewelry wholesale jewelry sex toys cheap sex toys human hair wigs cheap nfl jerseys cheap jerseys http://www.kahnawake.com canada goose outlet