still-life-851328_1920

Galing Pinoy: Mga Pilipinong Manunulat na Dapat Mong Kilalanin

August 9th, 2018

Naranasan mo na ba na sa sobrang ganda ng nobelang iyong binabasa, tila nadarama mo rin ang nararamdaman ng bawat tauhan? Iyon bang tila nadadala ka sa ibang mundo at napupuno ka ng iba’t ibang emosyon sa bawat paglipat mo ng pahina?

Talaga namang kagiliw-giliw ang magbasa ng mga kuwentong kaya kang patawanin, paluhain, pakiligin, o takutin. Tunay na kahanga-hanga ang mga manunulat na kayang makapukaw ng emosyon. Isa na rito si Gat. Jose Rizal na nakapagmulat-mata sa kalagayan ng bansa sa kamay ng mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela. Ngunit alam mo ba na bukod sa kaniya, maraming pang Pilipinong manunulat ang hinangaan ng napakaraming mambabasa? Halina’t kilalanin natin ang ilan sa kanila.

Nick Joaquin

Bata pa lamang si Nicomedes Joaquin o mas kilala bilang Nick Joaquin ay nahilig na siya sa pagbabasa. Kaya naman, nabuo na rin ang pagmamahal niya sa mga letra. Kaugnay nito, nakapagsulat siya ng mga nobela, tula, sanaysay, at mga dula na talaga namang hinangaan ng marami. Dahil dito, nakapag-uwi rin siya ng napakaraming parangal; kabilang na rito ang prestihiyosong Palanca Award, Stonehill Award for Novel, at Jose Garcia Villa’s honor roll. Ginawaran din siya ng National Artist Award noong 1976.

Sionil Jose

Si Francisco Sionil Jose naman ay mas nakilala dahil sa kaniyang serye ng mga librong “The Rosales Saga.” Higit pa rito, labis na hinangaan ang kaniyang mga gawa at isinalin pa sa higit sa dalawampung lengguwahe ang tatlumpu’t lima sa kaniyang mga isinulat. Nanalo rin siya ng mga parangal tulad ng Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature, and Creative Arts at Pablo Neruda Centennial Award. Pinarangalan din siya bilang Natatanging Alagad ng Sining noong 2001.

Merlinda Bobis

Mahilig ka ba sa mga misteryo? Malamang ay magugustuhan mo ang “Fish-hair Woman” ni Merlinda Bobis. Natatangi rin ang karangalang ibinigay niya sa ating bansa. Marami sa kaniyang mga isinulat ay tunay na hinangaan sa iba’t ibang bansa at nag-uwi ng maraming parangal. Ang ilan pa sa mga pinakatumatak niyang mga akda tulad ng “White Turtle,” “Banana Heart Summer,” at ang dulang “Rita’s Lullaby” ay nanalo ng mga parangal mula sa iba’t ibang bansa.

Jose Dalisay Jr.

Hindi lang si Cardo ang natatanging “Dalisay” na masarap ipagmalaki; dahil pagdating sa pagsusulat, si Jose Dalisay Jr. naman ang namamayagpag. Tunay na hinangaan ang kaniyang mga gawa tulad ng “Soledad’s Sister” at “Killing Time in a Warm Place.” Sa higit sa labinlimang librong nailimbag niya, nanalo siya ng limang National Book Award at labing-anim na Palanca Award. Kabilang rin siya sa CCP Centennial Honors list noong 1998 at The Outstanding Young Men noong 1993. Nanalo rin siya sa maraming patimpalak dahil sa kaniyang mga dula.

Lualhati Bautista

“Akala mo lang wala, pero meron… meron… meron!” Marahil ay pamilyar ka sa linyang ito na nagmula sa pelikulang “Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?” Ngunit alam mo ba na ang pelikulang ito ay hango sa nobelang isinulat ni Lualhati Bautista sa parehong pamagat? Hindi lang iyan, marami pa siyang nobelang tinangkilik ng marami tulad ng “Gapo” at “Dekada ‘70.” Nagsulat din siya ng maraming pelikula na tumabo sa takilya. Hindi rin siya nagpapahuli sa mga nauna sa ating listahan dahil maging siya ay nanalo ng Palanca Award at samu’t saring parangal para sa kaniyang mga obra.

O, hindi ba’t talaga namang nakatutuwang maging Pilipino dahil sa kagalingan ng mga nabanggit na alagad ng sining? Pero hindi lamang sila ang karapat-dapat na dakilain pagdating sa pagsusulat. Marami pang ibang natatanging Pilipinong manunulat na kailangan mong kilalanin. Subukan mong magbasa-basa ng kanilang mga akda, tiyak na masisiyahan ka rin tulad ng napakaraming nakapagbasa ng kanilang mga obra.

https://www.caviarbase.com http://www.simondeli.com http://www.weeklyleak.com replica handbags replica handbags hermes replica replica bags replica handbags replica hermes https://www.9replicabag.com replica bags replica handbags http://nwaedd.org replica hermes hermes replica iphone cases cheap jewelry wholesale jewelry sex toys cheap sex toys human hair wigs cheap nfl jerseys cheap jerseys http://www.kahnawake.com canada goose outlet