History books

May Exciting na Babasahin Ngayong Buwan ng Kasaysayan

August 10th, 2018

Sa dami ng nangyayari ngayon, tila napakadali nang makalimot sa nakaraan. Sa dami ng nangyayari ngayon, tila napakadali nang isawalang-bahala ang mga dahilan kung bakit tayo narito sa kinatatayuan natin.

Ngayong buwan ng wika at kasaysayan, nararapat lamang na ating alalahanin at bigyang pansin ang ating nakaraan. Handa ka na ba? Narito na ang ilan sa mga librong puwedeng-puwede mong basahin para magbalik-tanaw sa ating kasaysayan.

El Periodismo Filipino

EP

Isa sa mga pinakabagong handog ng Vibal Foundation, ang “El Periodismo Filipino” ay tumatalakay sa naging takbo ng pamamahayag sa ating bansa. Tinatalakay nito ang mga naging pagsubok sa media sa ilalim ng iba’t ibang tao, sektor, at pangyayari tulad ng mga rebolusyon. Ipinakikita rin dito kung paano hinarap at nalampasan ng media ang bawat pagsubok na kanilang naranasan noong unang siglo.

Old Manila

Old Manila 2nd edition

Paano nga ba ang Maynila noon? Ano nga bang mayroon ang siyudad ng Maynila para maging isa itong simbolo ng pag-asa? Sa pamamagitan ng “Old Manila,” magagawa nating makita ang dating Maynila na atin lamang naririnig mula sa ating mga magulang at lolo’t lola.

Tinatalakay ng “Old Manila” ang kasaysayan ng nasabing lungsod pati na rin kung paano ang naging pamumuhay ng mga naunang mamamayan nito. Ibinabahagi rin ng “Old Manila” ang mga dahilan kung bakit may napakahalagang papel ang siyudad ng Maynila sa ating kasaysayan.

Boxer Codex

Boxer Codex

Ang orihinal na “Boxer Codex” ay isang manuskrito na isinulat sa Espanyol. Ang bersyon ng “Boxer Codex” ng Vibal ay naglalaman din ng parehas na manuskrito na isinulat sa Espanyol. Ang kaibhan lamang ay mayroon itong salin sa Ingles kaya mas madaling mauunawaan ang nilalaman nito.

Ang “Boxer Codex” ay naglalaman ng mga impormasyon at litrato na naglalarawan ng mga pangkat-etniko—pati ang uri ng kanilang pamumuhay—na nakasalamuha ng mga Espanyol na nagsasagawa ng kani-kanilang mga ekspedisyon sa Timog-Silangang Asya at Karagatang Pasipiko.

The World of the Manila-Acapulco Galleons

Ga

Itinuro sa atin sa eskwela na ang sistemang barter ang pinakaunang sistema ng pakikipagpalitan ng produkto na ginamit sa ating bansa. Ito ang naging simula ng pagkakabuo ng ating relasyon sa ating mga karatig-bansa.

Gamit ang “The World of Manila-Acapulco Galleons,” magagawa nating matuklasan at mas maintindihan kung paano nga ba nagsimula ang sistemang barter at kung paano ito tumakbo, partikular sa sitwasyon ng palitan ng Pilipinas at Acapulco, Mexico. Bukod pa rito, naglalaman din ito ng mga impormasyon tungkol sa mga barko na ginamit noong mga panahong iyon at mga impormasyon tungkol sa kanilang mga pamumuhay, pati na rin ng mga karatig-bansa ng Pilipinas.

Bakit Mo Sila Dapat Basahin?

Bilang mga Pilipino, mahalaga na malaman, maintindihan, at maisapuso natin ang mga kaganapan sa ating kasaysayan. Ang ating kasaysayan ang siyang pangunahing dahilan sa ating pagka-Pilipino.

Sa totoo, mainam na magbasa ng mga librong tumatalakay sa ating kasaysayan nagdiriwang man tayo ng Buwan ng Kasaysayan o hindi. Dahil ang pagmamahal sa ating wika, kasaysayan, at ating lahi ay hindi dapat ginagawa sa mga piling panahon lamang, bagkus ito ay dapat ginagawa araw-araw.

Para sa mga kadaragdang libro na may kaugnayan sa ating kasaysayan, maaaring bisitahin ang shop.vibalgroup.com.